Global recall sa Galaxy Note 7 inutos na ng Samsung

Samsung Galaxy note 7

(UPDATE) Ipinag-utos na ng Samsung ang worldwide recall sa kanilang bagong mobile phone unit ng Galaxy Note 7.

Ito ay matapos ang mga ulat ng umano ay pagkasunog ng nasabing unit habang naka-charge.

Noong nakaraang buwan lamang inilunsad ng Samsung ang Note 7 kung saan sa Australia ito unang naging available.

Ayon sa Samsung, magsasagawa sila ng imbestigasyon at inspeksyon sa sinasabing problema sa baterya.

Tatapusin muna aniya ang imbestigasyon bago sila magpasya kung kailan muling magbebenta ng Note 7.

Tiniyak naman ng Samsung na papalitan nila ang lahat ng naibenta nang Galaxy note 7.

Ayon sa Samsung, sa buong mundo, umabot sa 35 kaso ng pagkasunog ang naiulat sa kanila.

Bago ianunsyo ang global recall, nauna nang itinigil ang pagbebenta ng nasabing unit sa Australia.

 

 

 

Read more...