Cellphones, drug paraphernalia, nasabat sa Oplan Galugad sa Laguna Provincial Jail

Laguna Police Jail | File Photo from www.laguna.gov.ph
Laguna Police Jail | File Photo from www.laguna.gov.ph

Nagsagawa ng inspeksyon sa Laguna Provincial Jail ang mga tauhan ng Laguna Police Provincial Office Biyernes ng umaga.

Nasabat sa ginawang pag-galugad sa apat na dormitory ng bilangguan ang mga drug paraphernalia, cellphones, at gitara.

Ayon kay Sr. Insp. Gerry Sangalang, tagapagsalita ng Laguna Provincial Police, kabilang sa mga nakuha sa mga selda ang mga foil, lighter, posporo, swiss knife, blades, nail cutter at tablets.

May nakuha ring tatlong electric guitars, amplifier, sigarilyo at electric fans.

Aabot naman sa P67,000 ang perang nasabat mula sa isa sa mga preso na sinasabing treasurer umano ng commando group sa bilangguan.

Aabot sa 1,214 na lalaking preso ang nakakulong sa Laguna Provincial Jail at 117 na babaeng preso.

 

Read more...