19 na baka sa Texas, patay sa kidlat

Hallsville TexasNasawi matapos tamaan ng kidlat ang labing siyam na baka sa Texas, USA.

Sa ulat, nasa ilalim ng puno ang magkakasamang baka sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa Hallsville, Texas nang sila ay tamaan ng kidlat.

Ayon kay Victor Benson, ang nakakita sa pangyayari, bigla na lamang nagtumbahan ang mga baka nang tumama ang malakas na kidlat sa kanila.

Ilan sa mga baka na kasama sa grupo ay nakaligtas at nakatakbo papalayo pero karamihan ay nasawi.

Sa pagtaya, aabot sa $45,000 ang nawalang kita kay Ashley Anderson dahil sa pagkasawi ng mga alaga niyang hayop.

Ang mga karne ng nasawing baka ay ipinamahagi naman ni Anderson sa mga kapitbahay.

Magugunitang noong nakaraang linggo, daan-daan reindeer ang tinamaan din ng kidlat at nasawi sa Norway.

 

 

Read more...