Pinayagan nang makaalis ng Pilipinas ang American singer na si Chris Brown matapos siyang makakuha ng emigration clearance certificate (ECC), Biyernes ng hapon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI spokesperson Elaine Tan, personal na humarap sa immigration office sa Makati City si Brown para mag-apply ng ECC at pinagbigyan naman ang kalihilingan nito.
“ECC issued by BI Makati office around 4:30 p.m. today after verifying that Chris Brown has no other derogatory record apart from the [immigration lookout bulletin],” ayon kay Tan.
Sinabi ni Immigration Commissioner Sigfried Mison, dahil walang ibang derogatory record si Tan maliban sa reklamong inihain ng Maligaya Development Corp. na wala pa naman sa korte.
Ang kasong $1 million estafa na isinampa laban kay brown ay nasa piskalya pa sa ngayon. Ito ang dahilan kaya naisyuhan si Brown ng lookout bulletin ng BI.
Mula sa Pilipinas ay didiretso ang private aircraft na sinasakyan ni Brown sa Hong Kong para sa pagpapatuloy ng serye ng kaniyang mga shows sa Asya./ Dona Dominguez-Cargullo