Ito ay matapos ang aberya na naganap kagabi dahilan para magpatupad ito ng shortened operations.
Alas 8:27 ng gabi nang ianunsyo ng MRT na North to Shaw at pabalik lamang ang kanilang biyahe. Habang wala namang biyahe mula Shaw hanggang Taft at Taft hanggang Shaw.
Alas 9:01 na ng gabi nang maibalik sa full operations ang biyahe ng MRT kagabi.
Hindi naman tinukoy ng Department of Transportation (DOTr) kung ano ang naging dahilan ng pagpapatupad ng maiksing operasyon.
Sa abiso ng MRT, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, labingapat na tren na ang nakabiyahe at madaragdagan pa sa susunod na mga oras.
Pero alas 6:14 ng umaga, isang tren ng MRT ang pumalay sa bahagi ng GMA Kamuning station at pinababa ang mga pasahero nito.
Agad namang nailipat sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.