Nasa severe tropical storm ang bagyo at may lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers kada oras nang ito ay lumabas ng bansa.
Samantala, ayon sa PAGASA, Southwest Monsoon o Habagat na lamang ang naka-aapekto sa western section ng Northern Luzon.
Inaasahang makapaghahatid ito ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Ilocos, Apayao, at sa mga isla ng Batanes at Babuyan.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan.
MOST READ
LATEST STORIES