Hindi pa man nakakarating sa kalawakan, sumabog na ang unmanned Space X Falcon 9 rocket habang ito ay nasa launch pad ng Cape Canaveral sa Florida USA.
Ang Space X project na pinangungunahan ng entreprenor na si Elon Musk ay naglalayong gawin sanang mas moderno ang space launch industry sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga reusable rocket components.
Kinumpirma ng NASA, na sumasalang sa mga pagsusuri at dry fire exercise ang Space X Falcon 9 rocket nang bigla itong sumiklab at tuluyang sumabog.
Dahil sa pagsabog, wasak din ang payload na isang Israeli satellite na nagkakahalaga ng 200 milyong dolyar na siyang dapat sana nitong ihahatid sa kalawakan.
Naging ‘revolutionary’ ang Space X rocket project dahil pagkatapos nitong maihatid ang kanyang payload sa kalawakan, ay nagagawa nitong mag-landing muli sa lupa upang magamit muli sa ibang pagkakataon.