Draft ng ConCom, naisumite na ni Speaker Alvarez sa Malakanyang

Pantaleon-Alvarez-0726Isinumite na ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft proposal para sa 25-man Constitutional Commission (ConCom) na siyang gagawa ng bagong charter at magsisilbing advisory body sa Kongreso kung saan inaasahan na magsasama-sama sa Constituent Assembly (Con-Ass) para sa pagbabago ng konstitusyon.

Umaasa si Alvarez na mapipirmahan na ito ni Pangulo Duterte ngayong Setyembre at makakapagtalaga siya ng mga Commissioners sa kaparehong buwan para sa pagdating ng Oktubre ay makapagsimula na ang mga ito sa pagbuo ng draft ng revised Charter upang sa loob ng anim na buwan ay matatapos ito.

Naniniwala pa rin si Alvarez na nag Con-Ass ang nanatiling pinakamagandang paraan para sa pagbabago ng 1987 Constitution para bigyang daan ang panukala ni Duterte na Federal system na uri ng gobyerno.

Aniya umaasa siya na ng magkakaroon ang mga mambabatas ng consensus hinggil sa isyu kung magkahiwalay o magkasamang boboto ang Senado at House of Representatives kapag nag-convene na ang Kongreso para sa Con-Ass.

Dagdag pa ni Alvarez, kapag natapos na sila sa pagpapasa ng panukalang P3.35-trillion national budget para sa taong 2017, maari ng mag-convene ang dalawang kapulungan para sa Con-Ass kung saan ilalatag na ng mga miyembro ng Constitutional Commission ang kanilang nagawa para sa karagdagang deliberasyon at debate.

Read more...