Pag-proseso sa mga claims ng biktima ng Martial Law, sa susunod na taon pa matatapos

hrvclaimsboard.gov.ph file photo

Bunsod ng malaking bilang na mga biktima ng martial law ay aabutin sa susunod na taon ang Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) sa pagsusuri ng mga claims kaugnay nito para sa pagbibibigay ng kompensasyon.

Ayon kay HRVCB Chairperson Lina Sarmiento sa kasalukuyan nasa 23 percent o 17,000 mula sa 75,000 na mga aplikasyon ang naipoproseso.

Ang mga naturang claims ay mula sa mga mismong naging biktima o sa mga kaanak ng mga ito, namatay man o nawala sa kasagsagan ng Martial Law sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Sarmiento ay nagsilbing resource person sa Supreme Court para sa deliberasyon kung dapat bigyan o hindi ng isang hero’s burial ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Ang nasabing ahensya ay may hanggang May 12, 2018 para matapos ang pagproseso sa ibibigay nga kompnesasyon sa mga biktima ng batas military na nakasaad sa Republic Act No. 10368 o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.

Read more...