Bagong tourism slogan ng DOT, sasalamin sa Duterte administration

 

Wala ng makakapigil sa Department of Tourism (DOT) sa pagpapalit nito ng tourism slogan na “It’s More Fun in The Philippines”.

Ayon kay Tourism media director Ina Zara-Loyola ang naging basehan ng kanilang bagong slogan ay ang matinding kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng pagbabago sa bansa.

Ang naging pahayag ni Loyola ay kaugnay ng pagkabahala ng ilang tourism stake holders sa Cebu City sa balak ni DOT Secretary Wanda Corazon Teo na baguhin ang kasalukuyang slogan.

Umapela si Cebu Association of Tour Operators (CATO) President Edilberto Mendoza Jr. kay Teo nap ag-isipan ang kanyang naging desisyon dahil ayon sa kanya mahihirapan ang Pilipinas na magpasok ng bagong slogan sa international market.

Siniguro naman ni Loyola na kokonsultahin ang lahat ng mga stakeholders sa pagbuo ng bagong brand.

Binigyang diin ni Loyola na normal lang ang pagpapalit ng tourism brand kapag may bagong administrasyon.

Nakakuha naman suporta si Teo sa ibang mga tourism advocates sa kanyang desisyon na kung saan umaasa sila na mas magiging maganda ito sa mga naunang slogan.

Matatandaan na inilunsad ni dating DOT Secretary Ramon Jimenez noong taong 2012 ang slogan na “It’s More Fun in the Philippines” na umani ng pagkilala sa domestic at global market.

 

 

 

 

 

 

Read more...