Nakuha na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hernando Iriberri ang kanyang promosyon.
Isinagawa Biyernes ng umaga ang donning of rank ceremony para sa ika-apat na estrelya ni Iriberri sa EDSA Revolution Memorial Lounge sa Department of National Defense (DND) Building sa Camp Aguinaldo.
Sa kanyang talumpati, muling pinasalamatan ni Iriberri si Pangulong Benigno Aquino III at Defense Sec. Voltaire Gazmin sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Ibinahagi din ni Iriberri ang kanyang promosyon sa lahat ng mga opisyal at tauhan ng AFP.
Magugunita na noong nakaraang July 10 ay hinirang si Iriberri bilang ika-46 na pinuno ng hukbong sandatahan ng Pilipinas kapalit ng nagretirong si General Gregorio Pio Catapang.
Si Iriberri ay miyembro PMA Matikas class of 1983 at nakatakdang megretiro sa Abril 2016 o linggo bago ang 2016 national elections.
Nanilbihan din si Iriberri bilang Chief Security ng Presidential Sister na si Kris Aquino./ Jan Escosio