State of emergency sa Sulu, hindi na kailangan-Duterte

 

Inquirer file photo

Hindi magdedeklara ng state of emergency si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Sulu sa gitna ng pinaigting na opensiba laban sa Abu Sayyaf Group.

Ayon sa pangulo, hindi kailangan na magdeklara ng state of emergency sa sitwasyon sa Sulu kung saan nasa 15 sundalo na ang napapatay samantalang nasa 30 naman ang nasawi sa bandidong grupo.

Isa lang anya itong punitive action ng gobyerno at ang lawak ng laban sa ASG ay kaya na ng AFP at PNP.

Kinastigo naman ng pangulo ang umano’y pagiging ‘brutal’ ng mga Abu Sayyaf dahil sa mga ulat na pinugutan pa ng ulo ng mga ito ang ilan sa mga sundalo.

Giit ng pangulo, hindi na kailangan pang pahirapan ang pamilya ng isang nasawi sa bakbakan sa pamamagitan ng pagsira sa katawan ng mga ito.

Kasabay nito nangako si Pangulong Duterte na bibigyan ng libreng pagpapa-aral ang mga anak ng namatay na sundalo sa bakbakan.

Read more...