Vintage bomb, natagpuan sa isang construction site sa Cebu City

cebu cityIsang vintage bomb ang natagpuan sa isang construction site sa kahabaan ng Natalio Bacalso Avenue, sa Cebu City.

Ayon kay Ruel Monleon, backhoe operator ng Red Viper Construction, nakita niya ang isang piraso ng metal habang hinuhukay ang lugar para sa itatayong mall.

Agad tumawag sa mga otoridad si Monleon nang malaman niyang itsurang bomba ang metal.

Nang dumating ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics agad nilang kinuha ang vintage bomb na ang tinatayang nasa dalawang metro ang lapad.

Dinala pansamantala sa Cebu City Police Office ang vintage bomb.

 

Read more...