Tumama ang malakas na magnitude 6.7 na lindol sa New Ireland Region sa Papua New Guinea.
Naitala ang pagyanig sa 39 kilometers East ng Namatanai alas 11:12 ng umaga, oras dito sa Pilipinas.
May lalim na 520 kilometers ang lindol.
Kaagad namang pinawi ng Phivolcs ang pangamba na maaring magdulo ng tsunami ang nasabing pagyanig.
Sa inilabas na abiso, sinabi ni Phivolcs na hindi magdudulot ng tsunami saanmang panig ng bansa ang lindol sa Papua New Guinea.
“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines
from this earthquake,” ayon sa Phivolcs.
MOST READ
LATEST STORIES