Kinumpirma ni Alvarez na naisumite na niya sa Office of the President kahapon (August 30) ang draft ng naturang EO.
Sinabi ng lider ng kamara na maliban sa umaasa silang malalagdaan na ni Presidente Duterte ang EO ay makapagtalaga na rin siya ng commissioners na bubuo ng Con-Comm.
Ito’y upang sa Oktubre ay masimulan na ng komisyon ang kanilang trabaho na paglatag ng draft ng revised Charter, partikular ang pagbabago ng porma ng gobyerno tungo sa Federalism.
Ayon kay Alvarez, kapag natapos ng Kongreso ang pagtalakay at maipasa ang 2017 proposed national budget, uubra na umano silang mag-convene ng senado at kamara bilang Constituent Assembly o Con-Ass.
Dagdag nito, kapag nakumpleto ng Con-Ass ang final revised Constitution sa 2017, maumpisahan na rin nila ang information drive at education na maaaring matapos sa 2018, at sa midterm elections sa 2019 ay handa na para sa ratipikasyon.
Pagdating 2022, sinabi ni Alvarez na maghahala na ang mga tao ng mga bagong opisyal sa ilalim ng bagong Charter.