Nagmamakaawa na si R&B singer Chris Brown na siya ay palabasin na ng bansa.
Isang maiksing video ang nai-post sa Instagram account ni Brown, kung saan ipinakitang nakaluhod ito habang sinasabi ang mga salitang “Please, please let us leave, please, please,”.
May caption na “OBAMA!!!!!!!!!!,” ang nasabing video na madaling araw ng Biyernes nang ipost, pero binura din ng umaga.
Gaya ng mga naunang videos na naipost ni Brown sa kaniyang IG account makikita na nasa isang hotel room ito.
Si Brown ay hindi pinayagang luamabas ng bansa dahil sa isinampang $1-million estafa complaint laban sa kaniya ng Maligaya Development Corp. (MDC).
Ito ay dahil sa hindi pagsipot ni Brown sa New Year countdown party sa Philippine Arena noong December 31, 2014./ Dona Dominguez-Cargullo