ASG casualties, umakyat na sa 30

 

Inquirer file photo

Umakyat na sa 30 ang kabuuang bilang ng mga napapatay na mga bandidong Abu Sayyaf sa engkwuentro sa pagitan ng militar sa Sulu.

Ayon kay Wesmincom Spokesperson Maj. Felimon Tan, pumalo naman sa 29 na sundalo ang nasugatan habang nananatili naman sa 15 na tropa ng militar ang namatay sa pagpapatuloy na focused military ops laban sa mga bandidong grupo.

Samantala, bina-validate na rin umano ng militar ang report na may mga sibilyan umano na tumutulong at nagbibigay-ayuda sa mga nasugatan na mga bandido.

Kaugnay nito, nakatakdang bigyan ng funeral honors ang mga napatay ng 15 sundalo na ibuburol lahat ngayong araw sa Wesmincom Headquarters sa Bgy Calarian, Zamboanga City.

Read more...