Ilang flights, na-divert sa Clark dahil sa sama ng panahon

clarkDahil sa sama ng panahon, na-divert sa Clark ang ilang biyahe na lalapah sana sa Ninoy Aquino International Airport ang na-divert sa Clark Airport.Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa halip na sa NAIA lalapag ay na-divert sa Clark Airport ang flight 2P 2994 Zamboanga to Manila ng PAL Express,

Sa Clark na rin lumapag ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 992 Gensan to Manila, at ang isang international flight ng United Airlines na UA 101 Guam to Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga kaanak ng pasahero na direktang tumawag sa mga airline company kung mayroong katanungan.

 

Read more...