3 hinihinalang biktima ng salvage, natagpuan sa QC

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlong hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa garbage bag sa Tirad Paz malapit sa panulukan ng Biak na Bato, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

May mga tama ng bala sa ulo ang tatlong hindi nakilalang lalaking biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) nabatid na alas 5:00 ng umaga nang matagpuan ng isang newsboy ang mga garbage bag sa gilid ng lansangan.

Nang siyasatin, tumambad ang mga bangkay ng mga biktima na nakasilid sa magkakahiway na garbage bag.

Binalutan pa ng packaging tape ang garbage bag.

Sinabi ng pulisya na inaalam pa nila kung sino ang nagtapon ng nasabing mga bangkay at kung ano ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Titingnan din ng mga awtoridad ang CCTV footage sa lugar.

 

Read more...