15 sundalo na nasawi sa bakbakan sa Sulu, pinangalanan na

Josephine Codilla - Radyo Inquirer correspondent
Josephine Codilla – Radyo Inquirer correspondent

Umakyat na sa labing lima ang bilang ng mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Patikul, Sulu.

Narito ang pangalan ng mga nasawing sundalo:

2nd Lt. Ernan Gusto
Sgt. Jay Erwin Almohallas
Cpl. Omar Raddulan
PFC Nestor Bacaling Jr.
PFC Jison Falcasantos
PFC Gerald Yubal
PFC Dhendo Dujo
PFC Roselito Arnoco
PFC Glend Cosicol Resma
Cpl Ronald Galloniga
PFC Rogelio Vincoy Jr.
SSg Ruel Catubay
Cpl Elid Ismael
Cpl Saik Mandangan
Pvt Jonas Lumayan

Mayroon pang apat na sundalo na critically wounded sa nasabing bakbakan.

Ang mga nasugatan ay nadala na kaninang madaling araw sa Zamboanga para magamot.

Ayon kay Maj. Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, pawang mga kabilang sa 35th Infantry Battalion ang mga nasawing sundalo na naka-engkwentro ng 70 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Kan Jalul sa Brgy. Maligay.

 

Read more...