Kinumpirma ng White House na kasama sa sidelines ng pagbisita sa Laos ni Obama ang pakikipagkita nito kay Duterte.
Ayon kay White House Deputy National Security Adviser Ben Rhodes, kabilang sa mga maaring matalakay ng dalawang lider ang security issues partikular sa usapin sa South China Sea.
Tinanong din si Rhodes ng media kung kasama ba sa uungkatin ni Obama kay Duterte ang mga kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa mga babae, mamamahayag at iba pa.
Ang tugon ni Rhodes, inaasahan nila mababanggit ni Obama kay Duterte ang tungkol sa mga kontrobersiyal na statements nito.
Pero ani Rhodes, mas mahalagang usapin pa rin ang security issues.