Northern at Central Luzon, apektado pa rin ng Habagat

Aug 30Apektado pa rin ng Habagat ang western section ng Northern at Central Luzon ayon sa PAGASA.

Sa pagtaya ng PAGASA, ang Habagat ay maghahatid ng moderate hanggang heavy rains na maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa Ilocos region at sa mga lalawigan ng Batanes, Benguet, Zambales, Bataan at sa Babuyan Islands.

Maulap na papawirin aman na mayroong light to moderate rains at isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, sa abiso ng PAGASA, alas 5:55 ng umaga, apektado ng pag-ulan na dulot ng thunderstorm ang lalawigan ng Zambales at ang bahagi ng Bataan.

Habang maaapektuhan din ng thunderstorm ang Metro Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Cavite at Rizal.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, walang sama ng panahon sa loob ng bansa pero isang sirkulasyon ang kanilang binabantayan na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility sa bahagi ng West Philippine Sea na may posibilidad aniyang maging isang Low Pressure Area.

 

 

Read more...