2 patay sa anti-drug ops sa Maynila

crime-scene-620x413Patay ang dalawang hindi nakilalang drug personalities, matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs o SAID ng Manila Police District Station 4.

Ayon kay Gulod Police community precinct commander Sr. Insp. Elias Dematera, may natanggap silang tawag mula sa isang concerned citizen na may nagpa-pot session sa may bahagi ng Buenas Aires sa Gulod, Samploc, Maynila.

Agad na nagsagawa ng follow up operation ang mga otoridad sa nabanggit na lugar, at naaktuhan pa ang mga suspek na gumagamit ng iligal na droga.

Bumunot agad ng mga baril ang mga suspek nang mamataan ang mga operatiba ng SAID.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.

Nakuha sa mga suspek ang caliber .38, at sampung sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Read more...