12 sundalo patay sa pakikipagbakbakan sa ASG sa Sulu

 

Labindalawang tropa ng pamahalaan ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu na naganap Lunes ng hapon.

Ayon kay Maj. Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, pawang mga kabilang sa 35th Infantry Battalion ang mga nasawing sundalo na naka-engkwentro ng 7 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Kan Jalul sa Brgy. Maligay.

Pinamumunuan aniya ni Radulan Sahiron ang mga bandido.

Samantala, mayroon ding limang sundalong nasugatan sa nasabing insidente.

Read more...