Machine shop sinalpok ng truck sa QC, dalawa sugatan

 

Kuha ni Christopher Diocado

Sinalpok ng rumaragasang truck ang isang machine shop sa may Mindanao Ave., Quezon City.

Sugatan sa aksidente ang dalawang motorista, kabilang na ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable na si Ruben Isturia Jr. na naipit ang paa at nagtamo pa ng tama sa ulo.

Aabot sa halos P2 milyon ang halaga ng mga nasirang spare parts ng makina na ipinagawa lamang sa naturang machine shop.

Ayon kay Edjan Sadiwa, caretaker ng nabanggit na establisyemento, nakaistambay lamang sya sa kabilang kanto ng kalsada nang makita nyang biglang lumiko sa kanilang shop ang trailer truck.

Ani pa Sadiwa, nakausap pa umano nya ang drayber ng trak bago ito tumakas, at ang katwiran aniya nito ay mayroon daw siyang iniwasan na kotse kaya’t bigla nyang nakabig ang manibela hanggang sa tuluyang sumalpok sa shop.

Dahil dito, iniliko niya mismo sa harap ng machine shop ang truck, na kuhang-kuha pa sa CCTV footage.

Read more...