Gun-for-hire patay sa engkwentro, pusher arestado sa QC

 

Isang hinihinalang gun-for-hire ang napatay sa isang engkwentro, habang isang hinihinalang drug pusher naman ang naaresto sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Hindi pa nakikilala ang nasawi sa operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa Fort Magsaysay sa kahabaan ng Luzon Avenue sa Brgy. Holy Spirit.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyong may mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ng isang alyas “Amir” na namataan sa nasabing lugar.

Agad pinuntahan ng mga operatiba ang lugar kung saan sinalubong sila ng pagpapaulan ng bala ng mga suspek.

Narekober sa suspek ang isang .38 at isang .45 na baril, pati na ang walong sachet ng shabu.

Naaresto naman ang isang suspek na si Eugene Guico pagkatapos ng operasyon, at narekober sa kaniya ang tatlong sachet ng shabu.

Read more...