Duterte sa China: Kapayapaan lang ang tanging paraan

 

King Rodriguez/PPD

Ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang kaniyang mensahe na ang Pilipinas ay isang kaibigan at hindi kaaway.

Sinabi ito ng pangulo habang muli niyang iginigiit na dapat gamtin ang desisyon ng international arbitral court sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea sa anumang bilateral talks sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ayon sa pangulo, tanging kapayapaan lang ang paraan para maresolba ang agawan ng teritoryo sa pagitan ng dalawang bansa, lalo’t hindi naman handa ang Pilipinas na makipag-digmaan sa China.

Hinimok rin ni Duterte ang China na i-konsidera naman ang sitwasyon ng mga Pilipinong mangingisdang hinaharang ng mga Chinese coast guard sa mga lugar na pinangingisdaan nila sa South China Sea.

Ani pa ng pangulo, umaasa siyang ituturing ng China ang Pilipinas bilang kapatid at hindi kaaway, at sana ay maintindihan rin nila ang sitwasyon ng mga Pilipino.

Direkta niya itong inihayag kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua na isa sa mga dumalo sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani sa Taguig City.

Read more...