Ayon sa BPI, kailangang magsumite ng updated na Customer Information Sheet (CIS) at Foreign Account Tax (FATCA) Form sa anumang branch ng BPI.
Iniurong rin ng BPI ang kanilang deadline sa pagsusumite ng mga nasabing dokumento, na mula sa August 31 ay ginawa nang September 30, 2016.
Sa kanilang advisory, kailangang isumite ng kliyente ang original copy ng mga nasabing forms na may kasamang photocopy ng isang valid, recent at photo-bearing ID.
Maari anilang isumite ang mga ito sa branch na pinakamalapit sa iyo o kaya ay ipadala via mail.
Babala ng BPI, kung hindi makakapag-update ang mga kliyente nila bago o sa mismong deadline, over-the-counter lamang ang magagamit nilang serbisyo para sa mga transaksyon.
Mawawalan kasi ng access ang mga kliyente sa kanilang account sa electronic channels ng BPI tulad ng ATM, Online at Mobile hangga’t hindi sila nagsusumite ng CIS at ID.
Ginawa ng BPI ang nasabing abiso alinsunod na rin sa inilabas na circular ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).