MAPSA enforcers, sasailalim sa ‘make-over’

 

Mula sa youtube

Isasailalim ng lokal na pamahalaan ng Makati City sa “make-over” ang kanilang mga traffic enforcers.

Ayon kay Makati Mayor Abigail Binay, hindi lang pisikal na presentasyon sa mga traffic enforcers ang kanilang aayusin kundi pati ang kanilang mga kasanayan sa kanilang trabaho.

Isa aniya sa mga prayoridad ng Makati City Development Council ay ang pagbibigay ng mga lapel cameras sa mga Makati Public Safety Department (MAPSA) para sa mas mabisang dokumentasyon ng mga insidente sa pagitan ng enforcers at mga motorista.

Aniya, mahirap kasing umasa lang sa testimonya ng enforcer o kaya ng motoristang nasisita kaya gagamit na sila ng teknolohiya.

Hindi rin lang aniya uniporme ang babaguhin nila kundi sasailalim rin sila sa matinding pagsasanay para sa mas ikabubuti ng kanilang work at people skills.

Read more...