Bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani, inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Heroes Hall sa Malacañang ang mga sugatang sundalo para sa isang hapunan.
Kasama sa nasabing pagtitipon ang 64 na pasyente at 21 na military personnel kung saan 16 ay mula sa Cotabato.
Kabilang naman sa mga dumalo si 2nd Lt. Jerome Jacuba, ang sundalong nabulag dahil natamaan ng shrapnel sa dalawang mata habang nagsasagawa ng clearing operation sa Mindanao.
Matatandaan na si Jacuba ang yumakap at umiyak kay Pangulong Rodrigo Duterte nang bumista ito sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
Ang mga inihaing pagkain sa naturang hapunan ay chicken sotanghon assorted native salad, ensaladang talong, talbos ng kamote, ampalaya, ginataang isda na may mustasa at grilled seafood medley, mais con yelo, cassave cake at durian tart.
2nd Lt. Jacuba, ang sundalong nabulag matapos masugatan sa bakbakan, binigyan ng laptop ni Pang. Duterte | @chonayu1 pic.twitter.com/Q9m6f5JdIx
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 29, 2016
Electric wheelchair naman ang ibinigay ng Pangulo sa isang napilay na sundalo | @chonayu1 pic.twitter.com/g5R6KAJx2J
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 29, 2016