Marciano Paynor, bagong Philippine Ambassador to US

 

Inquirer file photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Protocol Officer Marciano Paynor bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Amerika.

Papalitan ni Paynor si Philippine Ambassador to US Jose Cuisia.

Si Paynor ay dati na ring naging ambassador ng Pilipinas sa Israel at Cyprus.

Naging protocol officer din nina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo si Paynor.

Si Paynor ay ipinanganak sa Baguio at naging miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class 1971.

Papalit naman sa pwesto ni Paynor si Robert Borje na dating news anchor ng ABS-CBN.

Read more...