Beyonce’ top-awardee sa MTV Awards

 

Mula sa Twitter

Muling pinatunayan ng premyadong singer na si Beyonce na siya pa rin ang maituturing na rock star sa kanyang panahon matapos na makakuha ng walong awards sa katatapos lamang na MTV Video Music Awards (VMA) na ginanap sa Madison Square Garden sa New York.

Sa naturang okasyon, nakuha rin ni Beyonce ang video of the year award at best female video, pop video, breakthrough long-form video, choreography, direction, cinematography at editing.

Live din na nagperform ang contemporary rock star ng mga awitin mula sa kanyang visual album na ‘Lemonade’ na nagmistulang isang mini-concert sa ganda ng performance.

Nakuha naman ni Rihanna ang Michael Jackson Video Vanguard Award para sa taong ito.

Samantala, kung papuri ang tinanggap ni Beyonce at Rihanna,  umani naman ng batikos ang performance ni Britney Spears sa VMA.

Kung ang dalawa ay nag-perform ng ‘live’, si Spears naman ay nag lip-sync sa kabuuan ng kanyang performance.

 

 

 

Read more...