Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, mismong ang premyadong director na si Brillante Mendoza ang bumuo ng mga naturang film advertisements.
Ang mga naturang ads aniya ay binubuo ng dalawang 150-second video at apat na 30-second advertisement at sisimulang ipalabas sa September.
Sa pamamagitan aniya ang mga anti-drug ads, ipapakita ang kasamaang kaakibat ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang negatibong epekto nito sa lipunan sa kabuuan.
Iginiit ni Andanar na walang ginastos ang pamahalaan sa naturang mga public service announcement at libre rin aniya ang ibinigay na serbisyo ni Mendoza sa pag-direct ng mga ito.