PAL, may pagbabago sa flight schedule  epektibo Sept. 1

 

Magpapatupad ng ilang pagbabago ang Philippine Airline (PAL) sa kanilang mga flight schedule upang makatulong sa pag-decongest ng mga byahe papasok at palabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa advisory ng PAL, epektibo September 1, 2016, magkakaroon ng mga pagbabago sa flight schedule ng PAL partikular sa kanilang mga local flights.

Partikular na maapektuhan ang mga byahe patungong Caticlan, Kalibo, Cebu, Laoag, Legaspi, Tuguegarao, Calbayog, at Tablas.

Magkakaroon na rin ng mga byahe ang flag carrier ng mga flights mula sa Clark International Airport ngunit hindi pa tinukoy ng PAL kung kailan ito magsisimula.

Sa mga pasaherong maapektuhan ng pagbabago sa flight schedule, inaabisuhan ng PAL ang mga ito na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Maari rin ang mga itong magpa-rebook ng flight sa loob ng 30 araw o magpa-refund.

Read more...