Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa pamamagitan ni Brig. Gen. Restituto Padilla.
Sampung katawan ang narekober ng security forces dahilan para pumalo sa dalawampu’t isa ang napatay na Abu Sayyaf.
Ayon pa kay Padilla, ilan pang miyembro ng bandidong grupo ang nasugatan sa naganap na bakbakan.
Nakuha rin aniya sa mga Abu Sayyaf ang limang matataas na kalibre ng baril.
Pumutok ang naturang bakbakan isang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin at durugin ang Abu Sayyaf Group kasunod ng pagpugot sa ulo ng labing walong taong gulang na bihag ng bandidong grupo. Sa ngayon bihag pa rin ng ASG ang aabot sa labing anim na dayuhan.
Kabilang na rito ang Norweigan na si Kjartan Sikkengstad, isang Malaysian at Indonesian nationals.