Batay sa inisyal na report, nakilala ang suspek na si Jomar Itong at ang biktima naman na si Vicente Libuna.
Nabatid na bigla na lamang tinutukan ni Itong ng ice pick sa leeg si Libuna matapos ang isang misa na isinagawa sa piitan kaninang alas nueve ng umaga.
Kasunod nito ay kinaladkad ng suspek ang biktima papunta sa likod ng detention facility.
Pinangunahan naman ng jail warden na si Dominador Tagarda ang pakikipag-negosasyon kay Itong.
Si Itong ay humaharap sa kasong illegal detention habang si Libuna naman ay nakakulong dahil sa robbery with homicide.
Sa ngayon ay inaalam pa rin ang motibo sa likod ng naturang insidente.