Nalaan ang city government ng 5 milyong piso para sa nasabing drug rehabilitation project na pinangalan na “Dangal ng Pagbabago”.
Binigyang diin ni Sta. Rosa Mayor Danilo Fernandez, ang nasabing drug rehabilitation facility ay tugon ng siyudad sa lumalaking bilang ng mga sumusukong drug dependents kaugnay ng mas pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga.
Naipresenta na kay Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang naturang pasilidad sa isang groundbreaking ceremony habang sumasailalim pa ito sa mga minor renovations.
Ayon kay Denise Sacramento, 2nd year accountancy student ay dapat iknunsidera ang pagtatayuan ng drug facility sa hindi mataong lugar.
Ang pagtatayuan ng naturang pasilidad ay ang a 1,000- square meter lot sa Barangay Tagapo kung saan sa kasalukuyan ay ang kinatatayuan ng 30 bungalow houses na itinayo mga 20 taon na ang nakakaraan sa ilalim ng housing project ng ng city government para sa mga empleyado nito.
Dahil sa walang umuukopa sa mga nasabing housing units ay nanatiling bakante ang mga ito ngunit ng magkaroon ng campus ang PUP sa Sta. Rosa nong 2003, pinayagan ng city government ang mga ito na magsilbing classroom ang mga nasabing house unit.