Recruitment agency ng Pinay na namatay sa Saudi Arabia, mahaharap sa patong-patong na paglabag kapag napatunayang nagpabaya

poea.gov.ph

Recruitment agecny ncg Pinay na namatay sa ospital sa Saudi Arabia, mahaharap sa papatong na paglabag kapag napatunayang nagkulang sa pagtulong dito

Mahaharap sa patong-patong na paglabag ang recruitment agency kapag napatunayang ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na hindi nito tinulungan ang Pilipinang domestic helper na namatay sa isang ospital sa Saudi Arabia.

Ayon kay POEA Administrator Hans Cacdac na sila ay nalulungkot sa nangyari at kaniyang binigyang diin an hindi ito dapat nangyari sa sinumang OFW.

Aniya kanilang masuring iimbestigahan ang insidente at magpapataw sila ng suspensyon habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Dagdag pa ni Cadac na maaring lumabas ang kanilang resolusyon sa loob ng 20 hanggang 30 araw.

Sasailalim sa imbestigasyon ang employment firm na Philippine Recruitment Agency dahil sa umanoy sa bigo itong mabantayan ang kalagayan ng nasabing Pilipina habang nasa ospital.

Kaugnay nito, bigo rin ito na ipaalam sqa POEA ang natuang sitwasyon ang pagbibigay nito ng kulang na impormasyon ng utusan ito.

Sinabi rin ni Cadac na dapat bayaran ng agency ng dalawang taong sahod ang mga benefits ang pamilya ng biktima.

Matatandaang inatake sa puso ang nasabing Pilipinang domestic helper matapos makita ang kanyang employer na ng rape sa kanya na naging dahilan kung bakit siya na comatose at tuluyang binawian ng buhay.

Read more...