Validity period ng mga passport, dapat ng amyendahan

PassportIginiit ni AASENSO partylist Rep. Teodoro G. Montoro na dapat ng amyendahan ang Republic Act 8239 o ang Philippine Passport Act of 1996 kaugnay ng pag-aalala ng mga Pilipinong bumibyahe dahil  ang limang taong validity ng passport ay masyadong maiksi.

Ayon kay Montoro, ang mga Overseas Filipino Workers ay regular na bumibyahe sa ibat-ibang bansa ay nagrereklamo dahil apektado ang kanilang deployment dahil sa maiksing validity period ng kanilang mga passport na siyang kailangan sa kanilang employment application o renewals.

Sa kanyang inihain na House Bill 1894, na nagbibiga sa mga regular na passports ng validity period na 10 taon.

Kaugnay nito, nakasaad din sa inihain ni bill ni Montoro na maaring bawasan ng mga otoridad ang validity period ng passport kung nakasalalay ang interes ng pambansang seuguridad at ekonomiya.

Binigyang diin ni Montoro ang naging pahayag ni Pangulong Rodrgo Duterte na dapat amyendahan ng Kongreso ang RA 8239 partikular ang probisyon kaugnay ng passport validity.

Dagdag pa niya dahil sa maiksing validity period ng mga pasaporte, napipilitan ang mga ordinaryong Pilipino na mag-apply ng renewal ng passport kung saan nakakaranas ang mga ito ng mahabang proseso dahil sa ibat-ibang aberya.

Dagdag pa niya na ang 1987 Constitution ay nagbibigay ng proteskyon sa karapatan ng nga Pilipino na bumiyahe.

Read more...