Pinuno ng CAAP nagbitiw sa pwesto

CAAP
CAAP

Apat na araw matapos manumpa sa Palasyo ng Malacañang ay nagbitiw sa puwesto si Antonio Buendia bilang Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Mismong si Department of Transportation (D0Tr) Undersecretary for aviation and airports Roberto Lim ang nag-anunsyo sa mga empleyado ng CAAP na nagbitiw na si Buendia.

Gayunman, wala namang ibinigay na dahilan si Buendia matapos maghain ng kanyang resignation letter noong August 19.

Pansamantalang papalit sa puwesto ni Buendia si deputy director for operations Jim Sydiongco bilang officer-in-charge.

Pansamantala namang papalit sa pwesto ni Sydiongco bilang deputy director for operations si Manuel Antonio Tamayo na siyang deputy director for administration.

Matatandaang isa ang pangalan ni Buendia sa mga maagang lumutang na bibigyan ng posisyon sa Duterte administration.

Bago naging Director General ng CAAP ay nagsilbsi si Buendia bilang pangulo ng Asian Spirit at Philippine Aerospace Development Corporation.

Read more...