Gwardya at mga bilanggo sa Bilibid, kinukuhanan ng salaysay kaugnay sa drug matrix

New-Bilibid-PrisonIpinoproseso na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang pagkuha sa mga sinumpaang salaysay ng mga saksi na maaring magdiin sa mga personaldiad na nasa drug matrix sa New Bilibid Prison (NBP) na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, kabilang sa mga kinukuhanan ng salaysay ang mga prison guard sa Bilibid, mga bilanggo at mga kaibigan mismo ng mga personalidad na nasa matrix.

Dagdag pa ni Abella, tiyak ding sasampahan nila ang mga ito ng kaukulang kaso sa sandaling makakuha pa ng matitibay na ebidensiya kontra sa mga Bilibid matrix personalities.

Kaugnay nito’y isinasapinal na rin ayon ayon kay Abella ang iba pang links na may kaugnayan sa nailantad na matrix.

Una rito, inihayag ng pangulo na kasama sa drug matrix si Senador Leila De Lima, dating justice undersecretary Francisco Baraan, Congressman Amado Espino at maraming iba pa.

 

Read more...