Mayroon ba talagang overnight success? Kung magsasaliksik lang ay mapapatunayan natin na hindi totoo ang overnight success. There is no such thing, sabi nga.
Kung babasahin ang life story ng maraming successful people, isama na ang mga celebrity, mga mogul, fashion model at mga athlete – walang biglaang tagumpay.
Akala daw kasi ng marami laging may overnight success pero ang hindi nila alam ay dumaan sa mahabang proseso ang tagumpay ng isang tao.
Ang tagumpay daw na ito ay nagsisimula sa “willpower” o ang urges mon a gawin ang isang bagay, mapa-negative man o positive ay ikaw na ang mga kontrol nyan.
Paano nga ba magkakaroon ng tamang willpower?
Meditation – pinaka-epektibong paraan para magkaroon ng willpower ay meditation. Maaari daw kasing i-train ang ating utak na mag-pokus sa mga bagay na kailangan o yung mahalaga sa atin kasama na diyan ang ating mga ambisyon o pangarap na nais nating mangyari sa ating buhay. Ang kailangan lamang ay mag-pokus sa magagandang bagay. Dapat ay mag-pokus sa mga nangyayari sa ngayon sa halip na sa mga nakaraan.
Low glycemic diet – Yes, mas kinalaman ang pagkain. Ang pagkain daw kasi kapag prinoseso na ng ating katawan ay lumilikha ng isang uri ng sugar na kung tawagin ay glucose na siyang nagpupunta sa ating mga dugo. Ang glucose na ito ay nagiging “fuel” ng ating utak para makapag-isip ng tama at makalikha. Lahat ng pagkain na mayroong calories ay lumilikha ng glucose pero hindi lahat ay akma o tama sa utak dahil marami sa mga ito ay temporary lang. Ilan sa mga pagkain na may pang-matagalang glucose ay makikita sa mga karne gaya ng beef, chicken at pork at maging sa mga isda. Matatagpuan din ito sa mga nuts, vegetables at prutas.
Enough sleep – mahalaga sa utak ang tama at sapat na pahinga. Hindi daw kasi nagtratrabaho ng tama ang ating brain kung kulang ka sa tulog o puyat. Mahirap din ang sobra sa tulog dahil nandyan yung feeling na tinatamad.
Exercise – ang exercise ay hindi lamang para magbawas ng timbang o mag-burn ng calories. Dapat laging isipin na ang exercise ay para sa kalusugan ng katawan. Lalong nakakabuti ito sa ating utak dahil kapag healthy ang katawan, healthy din ang utak.
Focus on one task at a time – binubuo ng dalawang bahagi ang ating utak, na kinabibilangan ng limbic system at pre-fontal system. Ang limbic system ang kadalasan na ginagamit natin sa mga simpleng gawain gaya ng pagtu-toothbrush at pa-liligo at ito din ang gumagana kapag kumakain tayo ng junk foods. Ang pre-frontal corvex naman ay gumagana sa mga problem solving at mga mahihirap na problema gaya ng mga math problems o yung may involve na numbers. Pero alam nyo ba na ma-aaring i-train at sanayin ang ating limbic system para mag-multi tasking na makakatulong sa pagde-desisyon lalo ng mahihirap o kumplikadong problema.
Para daw magtagumpay, huwag biglain ang sarili sa mga pamamaraang ito. Simulan sa isang task bago mag-move-on sa susunod para hindi kayo ma-pressure.
Kailangan din na maging consistent o sa madaling salita ay hindi pwedi ang ningas kugon lang o yung sa simula lang magaling.
Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)