Tinawag ng kampo ng negosyanteng si Melvin Odicta na ‘massive disinformation’ ang umanoy gagawing pagsuko nito sa Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa droga.
Ayon kay Atty. Raymund Fortun, tumatayong abugado ni Odicta, wala sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Odicta at pinayuhan umano sila ng Regional Director sa Region 6 na magtungo kay Chief PNP Ronald dela Rosa.
Pero napagpasyahan umano nila na makipag-usap sa halip kay DILG Secretary Ismail Mike Sueno sa Kampo Crame.
Itinanggi rin ni Fortun na may ilalabas na drug matrix si Odicta.
Sa abiso ng DILG sa media kahapon, binabanggit na susuko umano ang negosyanteng si Odicta, na isang negosyante mula Iloilo kay Sec Sueno na ayon pa rin sa DILG ay nasa listahan umano ng mga drug personalities ng PDEA sa Region 6.