Grab driver, viral sa social media matapos bantaan ang pasahero na babarilin

Grab gun
FB post

Viral ngayon sa social media ang isang driver ng transport network vehicle service na Grab matapos bantaan umano ang pasahero na babarilin.

Sa Facebook post ng isang Benj Hung, kinuwento nito ang pangyayari kung saan bigla na lamang siyang pinababa ng driver sa sinakyan niyang Grab car na may plate number na VF 6483.

Nakilala ang driver na si Mark Rolyn Bonifacio, batay na rin sa ipinost na screenshot ni Hung ng mga impormasyon ukol sa kanya.

Sa una ay tinanong muna ni Hung ng ilang beses si Bonifacio kung bakit siya pinababa nito ng sasakyan ngunit hindi sinabi ng driver ang dahilan.

Ilang sandali aniya pasigaw na siyang sinabihan ng driver na kund hindi siya bababa ay babarilin siya nito.

Dahil dito, naglabas na ng pahayag ang Grab Philippines at sinabing sinuspinde na nila ang naturang driver habang hinihintay ang resulta ng kanilang fact finding team na nagsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Sakaling mapatunayan na guilty ang driver sa pangyayari, agad nilang iba-ban ito sa Grab at ang kanyang records ay isusumite sa otoridad para sa kaukuyang disposisyon.

Ngunit kung hindi naman totoo ang nangyari, tutulungan ng Grab ang naturang driver na linisin ang kanyang pangalan.

Read more...