BGC, naging sentro ng quake drill

Via Mark Lim 2 contributed photo
Photo contributed by Mark Lim

May mga na-trap sa mga gusali, may mga nasawi matapos mabagsakan ng debris, nabitak na kalsada, at nasunog na gusali.

Ilan lamang ito sa naging ‘scenario’ sa isinagawang earthquake drill sa Bonifacio Global City sa Taguig, Huwebes ng umaga.

Ang nasabing earthquake drill ay pinangunahan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Phivolcs, pamahalaang lungsod ng Taguig, Department of National Defense (DND) at iba’t ibang mga  rescue groups.

Kuha ni John Roson / Inquirer Bandera

Ang kahabaan ng 5th avenue sa BGC ang naging sentro ng earthquake drill kung saan may mga kalsadang nagkabitak-bitak, at nagkalat sa kalsada ang mga debris na bumagsak mula sa mga nasirang gusali.

May mga rescuers din na umakyat sa mga gusali para iligtas ang ilang indibidwal na na-trap. Gumamit din ng firetruck ang mga bumbero at binomba ng water canon ang isang gusali na kunwari’y tinupok ng apoy matapos ang lindol.

Sa isang bahagi ng 5th avenue, mayroong magkakatabing tent kung saan dinala ang mga napinsala ng lindol. Color-coded ang mga tent depende sa tindi ng pinsala. Red para sa critical, yellow sa delayed, green sa minor at black para sa mga nasawi.

May scenario din ng looting at ang mga taong pumasok sa mga establisyimento at nagnakaw ay ipinakita ring inaresto ng mga otoridad.

Kuha ni Kristine Mangunay / PDI

Dahil naman sa nasabing earthquake drill na sinimulan ng alas 9:00 ng umaga ay nagsikip ang daloy ng trapiko sa mga lansangan sa BGC.

Isa kasi ang 5th avenue sa ginagamit ng mga motorista patungo sa bahagi ng Market Market, pero dahil isinara ito, tanging ang 32nd Street lamang ang nadaanan ng mga galing ng Makati palabas ng C5./ Dona Dominguez–Cargullo

 

 

 

Kuha ni Kristine Mangunay / PDI
Kuha ni Kristine Mangunay / PDI
Kuha ni Dax Lucas / PDI
Kuha ni Kristine Mangunay / PDI
Kuha ni Dax Lucas / PDI
Kuha ni Kristine Mangunay / PDI

 

Read more...