MRT, 2 beses nagka-aberya

MRT file photo erwin
File Photo/Erwin Aguilon

Dalawang magkasunod na aberya ang naranasan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT), Huwebes ng umaga.

Ang unang insidente ay naganap bago mag alas 6:00 ng umaga kanina kung saan pinababa ang mga pasahero sa Santolan Station dahil sa nagkaproblemang bagon.

Ayon sa Traffic Control Center ng MRT, kinulang sa boltahe ang isa sa mga tren habang ito ay bumibiyahe sa Southbound, kaya agad ibinaba ang mga pasahero sa bahagi ng Santolan Station.

Delikado umano na ituloy ang biyahe ng nasabing tren dahil sa mababang boltahe ng kuryente.

Makalipas ang mahigit dalawang oras muling nagka-aberya ang isang pang tren ng MRT na bumibiyahe din sa southbound lane.

Galing ng Kamuning station ang tren at pagsapit nito sa Cubao station ay pinababa ang mga pasahero dahil nagkaroon ng technical problem ang bagon.

Ang mga nagkaproblemang bagon ng MRT ay agad dinala sa Shaw Boulevard Station para makaikot at maibalik sa bahagi ng North Avenue Station./ Erwin Aguilon

Read more...