Ipagpapatuloy ngayong araw ang paghahanap sa piloto at co-pilot ng bumagsak na civilian chopper sa kabundukan ng Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon.
Ayon kay Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army, pipilitin nila na marating ang lugar kung saan nakita ang tail ng bumagsak na chopper na may body number RP-C2688.
Hindi kasi anya napuntahan kahapon ng mga naglalakad na sundalo ang lugar dahil sa napakalayo nito at inabot na ng dilim bukod pa sa masama ang panahon.
Sa ngayon ayon kay Anoyo, naka-standby na rin ang mga air asset ng militar upang tumulong sa paghahanap subalit hindi pa ang mga ito makalipad dahil sa napaka sungit na panahon.
Sakay ng nasabing chopper ang piloto na si ret Col. Miguel Lobronio at co-pilot na si Jay Gregorio.