Bagyong Dindo, lumakas pa; halos hindi gumagalaw

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong Dindo na nasa kanang bahagi ng extreme northern Luzon.

Huling namataan ang Typhoon Dindo sa 1,035 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers kada oras.

Kumikilos lang ito ng 4 kilometers kada oras sa direksyon South Southwest.

Ayon sa PAGASA, wala naman itong direktang epekto sa bansa at hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng Pilipinas.

Sa Sabado ng gabi ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility at muling babalik ng Japan.

Samantala, habagat naman ang nakaka-apekto sa western section ng Southern Luzon at sa Western Visayas.

Magiging maulap naman ang papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Western Visayas at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Palawan.

 

 

 

Read more...