Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa lindol na naganap sa Italy.
Sa latest na bilang ng civil protection unit, umabot na sa 159 ang mga nasawi.
Tatlong bayan ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala sa lindol, kabilang na aang Amatrice, Accumoli at Arquata del Tronto.
Sa 159 na nasawi, 86 ay mula sa Amatrice. Ayon sa alkalde sa nasabing bayan, malaking bahagi ng lugar ang maituturing na totally destroyed.
Marami pang gumuhong bahay at gusali ang hindi pa nahuhukay, dahil paparating pa lang sa mga nasalantang bayan ang mga heavy equipment na maaring magamit.
Habang wala pa ang mga heavy lifting equipment, nagtutulong-tulong muna ang mga rescuer at mga residente gamit ang mga tractors at farm tolls para makahanap ng posibleng survivors.
Sa datos mula sa civil protection officials ng Italya, aabot na sa 368 ang naitala nilang sugatan sa lindol.