Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kabilang sa anim na testigo ay mga inmates sa Bilibid, guwardya at ilang taong malalapit kay De Lima.
Aniya ihaharap nila ang kanilang mga testigo sa imbestigasyon sa Kamara tungkol sa pagiging laganap ng operasyon ng iligal na droga sa NBP compound.
Bukod sa mga testigo laban kay De Lima, mayroon na rin aniya silang mga testigo na mag-uugnay sa limang narco-generals sa mga sindikato ng iligal na droga.
Dagdag niya pa, isinailalim na ng DOJ ang mga ito sa kanilang Witness Protection Program (WPP).
Paliwanag naman ni Aguirre, wala silang tinututukang partikular na indibidwal sa imbestigasyon, ngunit kapag sinabi niyang iimbestigahan nila lahat ng mga dating opisyal ng DOJ, kabilang dito ang mga mula nasa tuktok na posisyon hanggang sa pinakamababa.
Nagiging madali na rin aniya ang pagkalap nila sa mga ebidensya lalo’t kusang tumutungo sa kanila ang mga testigo para ibahagi ang kanilang mga nalalaman.